Skip to content

Naisip ko na naman…

February 5, 2009

… na gumawa ng entry na walang katuturan. Teka, may katuturan ba yun iba? Eto na naman ako at overly assuming. Whehehe! Actually, pangatlong “naisip ko na” entry ito. Kung type nyong basahin uli yung dalawang nauna eh click ka muna dito at dito. Nawa’y masayang ang oras mo masiyahan ka sa pagbasa ng mga yan.

… na ayusin itong munti kong cyber tahanan. Kung napasin nyo eh kababago ko lang ng theme at heto na naman ako , nagpalit ng panibagong layout. Kulit eh noh?! Ewan ko ba, ganyan lang talaga ang mga trip ko sa buhay. Pag may natuklasan eh di na titigilan at iiral na ang pagiging OC. Hehehe! At di pa dyan nagtatapos ang trip ko ha! Naisip ko rin na palitan ang aking blog title mula sa “A Journey Inside Wingkai’s Mind” at gawaing itech na “A Quick Peek into Winkie’s World”. Oh di ba naman, parang mas okay itong bagong blog titulo dahil wala din naman akong pinopost na mga seryosong issue so no wiz nga bagay ang journey-journey-inside-my-mind chuva na yan! Hehehe! And besides, para naman match din sa aking url na mabuting pinag-isipan ni snglguy Kuya Rudy (oh ha, advertisement na naman ito Kuya Rudy! whehehe!)

… na palitan na rin ang aking title pic at wiz na use ang self pic. Parang OA na ang paglathala ng mukha ko sa mga entries ko eh! Pero naman, mejo natagalan din ako para mahanap yang cartoon version na yan ah! Opkors, kinailangan ko ang google power para makanap ng maayos ng pic. Palibhasa kasi, walang talent ang inyong lingkod sa paggawa ng mga graphics eklavu na yan. Salamat na lang sa inmagine.com at marami-marami rin akong nakitang royalty-free graphics. At narito ang mga ibang “peek” pictures na pinagpilian ko:

Ang cute nya di ba? Parang hawig lang kami nung bata pa ako! Hehehe!

 

Bet ko din talaga ito. Wag na kayong magulat if one day eto na ang title pic ko ah!

 

Cute! Parang ang kulit ng pic ng mga yuppies na ito, hehehe!

 

Hmmmm... pwede rin! Mahilig pa naman ako sa back shots🙂

 

Blog ba ito ni Kuya Germs at kelangan clown? Hehehe!

And last, but definitely not the least…

Aaaay!!! Parang mahalay ang meaning ng "peek" dito! Hehehe!

… na nakaligtas na naman ako sa nosebleed dahil wiz karir ang pag-English sa pagsulat nito. My gudness, hirap kaya ng straight English entry. Mega nosebleed ang lola nyo sa pagsulat at pag-edit. Pero naman, TH pa rin ang dating! Hehehe!

… na nasayang muli ang oras ninyo sa isang walang wentang entry na itech. Sorry na po. Mejo sinumpong na naman ako sumulat ng ganito.

 O sya, babush muna for now! Promise I’ll try my best na mag-isip ng matino sa susunod😛

***********************************

Post update, Feb. 11, 2009:

Syempre di ko na rin natiis na di ilagay ang sangdamakmak kong pics kaya hayan, bago na naman ang blog header. Tatlong oras ko ata kinarir yan kasi ang hirap pumili from my tons and tons of pics😛

Kaya go to the trash bin na itong isang ito:

Salamat sa panandaliang paglagi sa aking blog😛

13 Comments leave one →
  1. snglguy permalink
    February 5, 2009 11:38 pm

    Ayun naman pala eh! Ang laking gulat ko nang binuksan ko itong blog mo ngayong umaga, parang nanibago ako, hehe. I like the title, and as for the header pic, next time gamitin mo yung pangalawa…😀

  2. February 6, 2009 7:31 am

    il go for pics 1,2 OR 4..

    talagang may kuya germs?haha.may payaso lang eh.lol

  3. February 6, 2009 11:56 am

    @ snglguy,
    hahaha, promise di ko na muna palitan lay-out ko. lagi ka na lang nagugulat eh! hehehe! yep, might use the 2nd one soon… pagtripan ko muna itong corporate-lady-peeking-through-the-blinds blog header, hehehe!

    @ flamindevil,
    those are my 3 faves too! simple and neat eh noh?!

    ewan ko ba, pag nakakakita ako ng clowns eh si kuya germs ang naalala ko… send in the clowns ang dating! hahaha!

  4. February 6, 2009 1:55 pm

    peeka-peeka boo! hehe.
    nakaktuwa yung last na picture.
    ang halay nga. haaha

  5. February 9, 2009 11:07 am

    i wanted to have a good header rin pero di ko carry..di talaga ako marunong…

    sana me gumawa for me..

    hahhaa..

  6. February 9, 2009 12:54 pm

    @ winkii,
    gulat ako sa peeka boo mo ah! hehehe! kulit nung last pic noh? may halay effect! hehehe!

    @ vanvan,
    same here. wiz ko talaga knows gumawa ng header. photoshop-challenged ako eh. wish ko rin may magvolunteer na gumawa ng header ko. pag wala, try ko i-harass ung graphic artist kong friend. wish ko lang mag-online soon. hehehe!

  7. jess permalink
    February 9, 2009 5:08 pm

    i’m thinking you should have a pic of yourself holding a cam on your face. you can insert your pic dressed kinda like an explorer or typing on the keyboard. then you can super impose this on a collage of pics of the places you been to and many of your interests. i suggest you should start a contest on this. participants can send images or ideas. winner gets a starbucks gift certicate. i’ll take a double shot mocha please. sorry, $$$ only here in seattle area.

  8. jess permalink
    February 9, 2009 5:11 pm

    addendum: “you can insert your pic dressed kinda like an explorer ..” sorry bitin. i mean to have your pic superimposed on the camera lens.

  9. February 10, 2009 12:32 pm

    hahaha, you really have thought it through, jess ha! explorer… parang dora?! di ko ata masyadong carry yun🙂 at may suggestion ka pang contest ah! naku, di ata carry ng powers ko ang prize mo… wala akong $$$😛 ang taray, imported ka pala… from seattle, usa!!!

    im already doing though a collage of (some) pics. since photoshop-challenged ako eh heto hirap na hirap tapusin. might ask my graphic artist friend me para naman maganda. o baka gusto mo magvolunteer to do it for me… for free!!! hehehe!

  10. jess permalink
    February 10, 2009 2:09 pm

    i almost tried. until i realized that i couldn’t post it on here. plus i don’t want to look like i’m trying too hard; it would feel very weird.😉

  11. February 10, 2009 2:13 pm

    as in youre really trying? hmmm… why not send it to me. lemme see and i might post it as my header… hehehe!

  12. February 13, 2009 2:20 am

    hala at say goodbye na pala kay “peek ek ek header”. sandali lamang ang kanyang paglagi. parang kaluluwang ligaw lang. he he.

  13. February 13, 2009 11:48 am

    hahaha… oo nga eh! kinati ang kamay kong gumawa ng collage. tsaka sayang mga pics ko… exploit ko na lang! hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: