Skip to content

Havaianas vs. Spartan

March 17, 2008

I am a self-professed Havaianas addict. I don’t just own a couple of pairs… I actually stopped counting on my 14th pair. Hehehe! Yeah, yeah, yeah, I know what’s on your mind now. Do I really need to have those bunch of slippers?! My answer is simple and I will have to answer righteously, "No, I don’t need that much Havaianas!"…. "but I’m just a girl… I ‘want’ to own that much flip-flops!" So, end of discussion, ok?! Hehehe!

So, when a co-worker forwarded an email entitled "Havaianas vs. Spartan", I instantly got interested and immediately clicked on the message to read what’s in it. Here’s the content of the email:                              

                               

Pangalan: Havaianas

Lugar ng Pinanggalingan: Sao Paulo, Brazil

Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)

                hah-vee-ah-naz (American English)

                OMG!-haH-va-yaH-naZz!! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber)

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan

Mga nagsusuot: Mga konyotic at mga mayayaman

Maluput na katangian at kakayahan:

   – Masarap isuot.

   – "Shock-absorbent"

   – Malambot ngunit matibay.

   – Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.

   – Maaring isuot sa loob ng Starbucks.

   – Mainam na pang-japorms.

   – Mainam na iterno sa iPod at Caramel Macchiato.

   – Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko sa paa.

   – Maaring magdekwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.

   – Magiging "fashionable" ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.

Olats na mga katangian:

  *Mahal!

   *Mahal!

  *Mahal!

                                                                                                                                                            

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines

Pagbigkas: spar-tan (American English)

               is-par-tan (Filipino)

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (low-quality rubber)

Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang paresn gn Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:

   – Maaring ipamatay ng ipis.

   – Maaring ipamalo sa mga batang suwail at damuho.

   – Pwedeng ipanglusong sa baha ta putikan.

   – Pwedeng ipamalengke.

   – Mainam gamitin sa tumbang-preso.

   – Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan.

   – Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.

   – Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.

   – Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.

   – Kapag gunupit-gupit ng pahugis na "cube" eh maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:

   * Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura.

   * Masakit isuot kapag may mga balahibo ang nga daliri mo sa paa.

   * Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno eh nadadamay na pati yung tsinelas.                                       

                                

Knowing the Havaianas fanatic that I am, another co-worker emailed it again to me with this comment, "Say mo? Kaya ba ng mga Havaianas mo yan? Hehehe!"

Oh well, I needed to defend my addiction and so I emailed my co-worker back with "Please see replies in red font". Here they are:

   – Maaring ipamatay ng ipis.

      Di ako pumapatay ng ipis, umiilag lang ako pag lumilipad sila.

   – Maaring ipamalo sa mga batang suwail at damuho.

      Di ako namamalo ng batang makulit, nangungurot ako.

   – Pwedeng ipanglusong sa baha ta putikan. 

      Di ako lumulusong sa baha at putikan, nagrere-route ako.

   – Pwedeng ipamalengke.

      Is grocery considered as palengke? Hehehe!

   – Mainam gamitin sa tumbang-preso.

      Di na tumbang-preso trip ko ngayon… malling na!

   – Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan. 

      Di naman ako naglaro ng espa-espadahan ever noh?!

   – Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.

      Ay, I don’t play piko anymore.

   – Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.

      Ooops, I only play badminton inside air-conditioned courts.

   – Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.

      Haller, watusi?! Eeewww!

   – Kapag gunupit-gupit ng pahugis na "cube" eh maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

      May pa-Bingo ba sa Arlington or Funeria Paz?

But in all fairness, di ko talaga kaya ipampatay ng ipis ang Havaianas ko! Hehehe!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: