Skip to content

Cebu Side Trip

February 13, 2008

(Feb 1 to 2, 2008) So, tuloy ang biyahe from Bohol. We took Supercat to take us to Cebu. It was just a 2-hour trip. Di talaga ako naiinip kasi naman palabas sa plasma TV eh Night at the Museum. I really like this movie. Very amazing story line. Not to mention, it’s jammed-pack with big-named actors.

Anyhow, we arrived at the Cebu seaport at around 4 p.m. Nikki was able to contact an officemate (yep, our office has a branch in there) and have requested to arrange a room for our overnight stay in Cebu.

I have been in Cebu some 5 years ago and learned that the place is not so far from the Manila atmosphere. Very urbanized and people are almost the same. Oh well, except for the accent huh?! I just don’t know if this similarity between Manilans and Cebuanos is something of a compliment or an insult! Hehehe!

We were approached by a taxi driver and agreed to take us to our branch in Mango Street, not too far from the seaport. The driver immediately said priced his “hatid” service at P200. Since pagod na ako sa aking mga bagella, I wanted to give in. Good thing, Nikki was still in her proper state of mind, called our officemate and asked for a standard rate for that short trip. Hala, P60 lang daw kasi sobrang lapit nga! See, very Manilans di ba? Hehehe! And so, Nikki hailed another taxi and arranged for a much lower taxi fare. Hayan, nakasakay na rin kami sa wakas.

We never planned to make our Cebu trip/stay extravagant… para naman yung Bohol trip eh extravagant noh?! Hehehe! We just checked in to this very affordable inn located in uptown Cebu. Wa na tell ng name ng inn, di talaga cya ganda-gandahan! Hehehe!

We really don’t have any itenarary for this side trip, so we just spent the entire afternoon strolling. Syempre we went to places and did things that we don’t usually go to and do in Manila or Makati. We went to Robinson’s Galleria and ate at Mang Inasal. We also went to Ayala Center to do some window-shopping and spent some coffee moments at Starbucks. Oh di ba naman, di namin ito madalas gawain sa Manila. *Over-sarcasm* Hahaha!

But there’s one special store that really made my day… Bisaya Ispisyal! This is a simple store that sells statement shirts… in the Visayan language huh?! Actually, nakabili na ako dito dati. Pero it was just a simple shirt that said “I got this shirt in Cebu”. Small size yun, so obviously di na sya kasya sa akin. I really had fun browsing each and every merchandise. Read each one of them and asked the saleslady to transalate every bit of it. Hehehe! Eto namang saleslady, super offer ng shirt that said “Maldita”… back-to-back ah! Grabe, nagulat ako at kilala nya ako! Hahaha! Pero syempre gusto ko yung mas subtle so I opted to get this shirt (actually, si Nikki ang nakakita nito)…

Img_2271 

Tagalog translation: Okay lang suplada, basta maganda!

Oh di vah?! It’s so me! Hehehe! Kapal!!! Actually, yung suplada portion eh tama. Pero yung, maganda? I’m sure, kelangan ko pa kayo i-bribe para lang pumayag! Hehehe!

Si Nikki, maganda rin yung nabili for Danny and her brother. It said “F.B.I.”… acronym yata for Fulltime Babe Inspector. (Nikki, please confirm! Hehehe!) This shirt store is really awesome. Don’t miss visiting Bisaya Ispisyal when you get to visit Cebu huh?! Hmmmnnn, kelangan ata bayaran ako ng Bisaya Ispisyal for this PR huh?! Hehehe!

So, that was our day 1.

Day 2 was kinda long, hot, tiring and overly irritating with some dash of fun and kilig on the side. Mind-tickling statement noh?! Hehehe!

As I said, we don’t have anything much planned for the day. Ang main agenda lang namin eh Sto. Nino Minor Basilica and Magellan’s Cross. Since these sites are both located in downtown Cebu, mejo di maganda ang kapaligiran. Think of Tondo, Binondo, Divisoria, Sta. Cruz and Quiapo. Do you now get the picture? Five years ago, I was warned by my then-officemates to guard all my valuables as pickpockets are all over the place. Pareho pa rin ang warning sa amin after 5 years. Kaya etong si Nikki, naparanoid yata at super kapit talaga sa bag nya. Anyways, nothing bad happened to us naman. Thank God!

We all enjoyed our visit at Sto. Nino Church. Maayos talaga maintenance ng church. Ang galing nila magpreserve history. Similar to that of Baclayon Church, the Sto. Nino Minor Basilica has so much history to tell. And not just history huh?! Doon lang naman nagsimula ang history ng Pilipinas. At syempre, ang all-original image ng Mahal na Poon na galing pa kay Master Magellan ay nandoon. Etong si Mudra, wish talaga pumila at humapos sa Mahal na Poon. Kaso naman, kahaba ng pila na tila bagang aabutin kami ng limang oras para maihaplusan ang Mahal na Sto. Nino. Mabuti at pumayag si Mudra na ipagpaliban ang pagpila. Sabi ko sa susunod na balik na lang namin. Eh kelan kaya yun?! Hahaha! So, head na lang kami sa Sto. Nino Museum.

Bawal magpicture sa loob kaya sorry, walang proof na nakapasok kami. Hehehe! The museum stores more of the Cebu history. But there’s one particular thing that caught my attention. A standard looking cabinet filled with toys. Yep, you read it right… TOYS! As in lots of toy cars, different kinds of robots (Voltes V and Mazinger Z included!), pati trolls meron huh?! Sobrang dami talaga. There’s an article posted at the side. Gifts pala yun ng mga little kids sa Mahal na Poon. Yun iba naman, gifts ng couples na biniyayaan ni Sto. Nino ng anak. Nakakatuwa talaga. And I guess, each of those toy has a story to tell as well. And each of them is now a part of Sto. Nino’s history.

Matapos ng museum, we spent some solemn moments sa prayer-wth-matching-tirik-ng-kandila area. Ano ba kasi tawag dito? Katulad din nung sa Baclaran at St. Jude😉 Sympre, silent moments ito. In deep prayers kaming tatlo nila Mommy at Nikki. After saying my ardent prayers, naglikot na naman ang mga kamay ko. Picture-picture na naman! Here’s one of my shots…

Img_2319  

Ssshhhhh… wag ka muna maingay, in deep prayer si Mudra. Actually, eto ang lagi nyang dasal, “Lord, sana po bigyan nyo na ng boyfriend ang anak ko.” Mudra, sindi ka ng kandila! Baka di effective pag walang candle! Hahaha!

Next stop, the Magellan’s Cross. So lakad na kami. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 steps… and wallah! Magellan’s Cross! Ang layo, grabe! Hahaha! Gulat talaga sila Mudra at Nikki dahil sa labas lang ng Sto. Nino Church yung Magellan’s Cross. Akala pala nila sa ibang lugar. Hahaha!

So, picture-picture na naman. Haller??? Wala naman ibang pwdeng gawin dito aside from pictorial noh?! Ay meron pala! Pwede pala padasal at pasayaw sa mga locals para mag-anak. Kaso naman baka batukan ako ni Manang prayer warrior slash dancer at hanapan ako ng asawa! Hahaha! In fairness, ang hirap pala pikchuran nitong Magellan’s Cross. Kelangan pang gumapang sa floor just to get one good shot. Anyhow, I was able to get this one pwede-na shot. Here po…

Img_2336 

Ayan, wala na ako sa picture ha! Alam ko, by this time eh sukang-suka na kayo sa itsura ko! Hehehe! Tsaka, moment ito ng mahiwang krus ni Magellan noh?! Hehehe!

Around 12 noon na, so back to home base na ang drama namin. Syempre, kumain kami sa isang resto na wala sa Manila. What else? Eh di Jollibee! Chicken joy… Visayan version! In fairness, kalasa din ng sa Manila! Hahaha!

Nothing much happened the entire afternoon. We just killed time (Oo, mamamatay oras kami! Hahaha!) kasi 5:45 p.m. ang flight namin. Ikot-ikot sa Robinsons. Bili ng pasalubong sa Shamrock. Nangulit sa Watsons. Balik sa hotel. Nood ng movie at Americal Idol sa cable. Then, grab ng bagahe. Ready to go to the airport.

We opted to go to the airport early. Ayaw na namin mapagalitan noh?! Besides, nagpromise kasi itong si Nikki na maaga kami sa next flight namin.

4:00 p.m. airport na kami. Derecho sa check-in counter. Tila bagang may konting commotion. May naulinagan ako na delayed ang flight. Nakichika sa nakapila. Hala, delayed nga! Ang first tsismis baka daw ma-move ng 10:50 p.m. So, pila pa rin ako. Pero syempre namumuo na ang init ng ulo ko. Lapit na ko sa counter. Tama nga! Our flight was tentatively moved to 10:50 p.m. That’s a 5-freaking-hour delay!!! At sabi pa, earliest daw ung 10:50 p.m. Tama ba un? Ano ‘to? The Terminal Part 2?

So, when it was my turn to check in, buo na ang init ng ulo. Hay, nailabas ko tuloy ang pagkabwisit ko. Eto ang statment ng mahaderang Winkie, “Nung 5 minutes akong late, pinagalitan nyo ako at halos ayaw ipa-board! Tapos ngayong, 5 hours kayong late, ang sasabhin nyo lang eh sorry?!” Kawawang staff, di naman nya kasalanan yung delay di ba? Pero tuloy pa rin ang pagsusungit ng, “So, ganito na lang ito? Five hours is five hours, Miss! Dapat yata eh magpa-dinner kayo!” May sumagot na tinig sa tabi ko at sabi, “Magpapa-dinner naman sila, Miss.” Lumingon ako sa lalaking pakialamero. Hala, cute! Tapos sabi pa, “Tsaka bibigyan daw tayo ng travel voucher.” So pa-girl na ako and replied back, “Ah ok. Sabi ko nga ok lang na ma-delay eh!”

In fairness, cute talaga yung guy. Maliit lang cya (sa height huh?!) pero cute. Akala pala nito nina Mommy at Nikki eh nakakita ako ng friend kasi chika galore na kami nung guy nung pinuntahan ko sila sa upuan. Gulat sila at nakausap ko lang yung guy sa counter. Oh well, Nikki saw the actual flirty-side of Winkie. Hahaha! Sayang lang, nawala itong si Cutie. Bibigay ko pa naman sana sa kanya cellphone number ko kahit hindi nya hingiin. Hehehe!

So sabi ko nga, five hours is five hours (and not ten hours! hahaha!). Excruciating experience talaga ito. Since very creative kami, nakagawa kami ng paraan para libangin ang mga sarili sa loob ng limang oras. Here are the top ten things we did to kill that 5-freaking-hours inside the airport:

1. Magcharge ng lahat ng gadgets (i.e. cellphones, iPod and digicam).

2. Magmasid sa paligid.

3. Suriin ang suot ng lahat ng taong dumadaan.

4. Laitin ang mga taong dumadaan (actually, mas nakakalibang ito! hahaha!).

5. Kumausap ng di kilala.

6. Makinig sa usapan ng iba.

7. Pag-usapan ang pinag-usapan ng iba (tapos, laitin din! hahaha!).

8. Manood ng National Geographic na parang silent movie.

9. Magdamot ng charger sa mga nanghihiram, pero ipahiram din.

10. Sungitan ng naghiram ng charger dahil ang agenda pala nila eh i-full charge ang cellphone. Eh weirdo pala nun, 1 oras yata ang magcharge ng cellphone eh 20 minutes before boarding na yun! Kaasar talaga!

Anyhow, to cut the long story short (hindi pa ba long story ito??? hahaha!), we surpassed that 5-hour delay. Matiwasay naman kaming nakabalik ng Manila.

Si Danny, sinundo si Nikki sa airport and they both offered us hatid.

1 a.m. of February 3, back to house na kami ni Mudra. Back to reality. Back to our usual life.

The end na po. Thanks for staying with me and bearing with my blog series. I hope I was able to take you to a colorful trip to Bohol and Cebu.

==============================================================

To Nikki and Danny, thank you as well! I really enjoyed our trip. You two are the best! You both rock! Til our next trip! San nga next pitstop? Out-of-the-country na ba? Wish ko lang, magpa-renew na kayo ng passport! Hehehe!

One Comment leave one →
  1. February 27, 2008 9:40 pm

    Ai naku…sobrang overused ang name ko….hehehe…fren di lang cell no. ang give mo dun kay cuttie…kala ko nga pati cell phone mo bigay mo…hahaha….really enjoyed our trip…kaw talaga best fren ko…MOMMY…hahaha…till our next trip…cge na nga ..sama ka na Winks…c”,)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: