Skip to content

Naisip Ko Lang Uli…

November 26, 2007

Naisip ko lang… rest muna sa serious blog writing mood. Tagalog-tagalugan muna uli ang drama ko with a little dash of kabadingan! I just wanna breathe from that English blogging chuvaness for a little while! Honestly, serious nosebleed talaga ako dun sa 2nd to the last post ko. Super try-to-death ako at 5 days in the making to write that exhilirating topic! Then, nung binasa ko uli, very jologs naman pala ang dating! Feeling know-it-all-about-love pa naman ang drama ko nun! Hmp, dunung-dunungan kasi! So I thought, never again will I try to write such topic. Sadyang hindi kaya ng powers ko na tapatan si Joe D’ Mango! Pero aminin nyo, maganda ang title nun di ba? Sablay lang talaga sa content! Hahaha! Well, well, well, pasensya na lang po at emotera ang drama ko nun.

Naisip ko lang… tigilan na ang mga drama moments. Wiz na ang mga sad thoughts. End na ang mala-MMK na atmosphere. Sitcom mood naman ako. Bright and happy naman dapat ang image ko. Kaya lagot kayo, back to my usual wacky self na ako! Hahaha! Ingat-ingat lang kasi baka magbalik din ako sa usual Ms. Minchin self ko! Wehehe!

Naisip ko lang… kumustahin kayong mga nagta-tiyagang magbasa nitong blog ko. In freshness, dumarami na kayo. Pero di ko alam kung ilan ang exact figures huh?! Wala po kasi ako visitor’s or reader’s tracker. Actually, there is a way to know kung ilan ang readers. Pero haller?!?!?! Not in a million years will I pay para lang malaman kung ilang hits ako per entry. Feeling professional blogger naman yun!!! Asa galore lang ako sa Recent Comments section on the left side of my page… ooooops, lilingon yan sa kaliwa at iche-check yung comments section! Hahaha! Well, with all beauty and honesty (o wag na kumontra sa beauty… intentional yan, not typo-error! hehehe!) eh napapa-Wear-A-Big-Smile ako sa tuwing nakakabasa ng comments. May it be encouraging, may it be pang-asar or may it be another blog-material dahil sa sobrang haba ng comment eh it really makes me smile! Mention ko lang ang mga addition to my reader’s pool… MEDJ and GHIE, MARAMING SALAMAT PO! Woohoo, apat na nagbabasa ng blog ko! Hahaha! Well seriously, mejo marami naman na po akong tagasubaybay. Yun iba eh sa text, email o YM nagpapadala ng mga komento… di pa yata alam kung pano mag-post ng comment dito! Hahaha! Joke lang! Peace po! "Nakakatuwa!", "Nakakaaliw!", "Very inspiring!", "Nice blog, I totally agree with you!"… ilan lamang yan sa mga nakakataba ng puson, este puso pala, na komento ang natatanggap ko. Kaya po ako’y so very much thankful sa inyo… mas lalo po akong na-iinspire sumulat. At sa inyong mga silent lurkers at comatose ang drama, maraming salamat din po! Nawa’y natutuwa kayo sa munting pagbabahagi ko ng aking mala-rollercoaster na nararamdaman.

Naisip ko lang… mag-advertise ng future blog entry. Some-kinda excited na ako to post this one specific blog about a very important man in my life. Hmmnnn… curious na ba kayo? Well, hindi pa po ito ang takdang oras para ilatha ko sya. Kaya, heto muna ang masasabi ko sa inyo: ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!

Naisip ko lang… siguro gusto nyo na naman akong patayin at wala na namang saysay ang blog ko ngayon. Well, pasensya na kyo, tapos na! Nasayang ko na naman ang oras nyo! Bwahahaha!

Yun lang po… naisip ko lang uli!🙂

2 Comments leave one →
  1. November 27, 2007 12:28 am

    hi Winkie!
    naku hndi nasayang oras ko noh! nag enjoy ako…thanks ha…kakatuwa!
    regards!

  2. November 27, 2007 4:06 am

    Hi Ate Fe! Thanks for always reading my blog. Salamat naman at napasaya kita dito sa walang kwentang blog na ito! Hehehe! Musta ka na po? Hope all is well is well with you and your babies!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: