Skip to content

My Chatroom Encounter

November 22, 2007

Kwento ko lang…

Online ako kagabi (haller, palagi kaya noh?!). Check ng email, puro spam naman! Open ng Friendster account, hoping na may nag-view ng profile… in fairness marami ah! Check ng Friendster blog, hoping uli na may nag-comment sa post… kaso wala eh! Open ng Limewire, nagpaplano na magdownload ng mga kanta para sa iPod. Open ng YM… well, di muna ako nag-invisible mode kasi di naman masyadong busy. Kaya hayun, nakita ako ni Amiel! Classmate ko sya nung high school. Ang bruho, nagpaturo pumasok sa yahoo chatroom. Since nasa bait-baitan mode ako, nag-online tutorial muna kami on how to enter chatrooms. Feeling techie naman ako! Hehehe! I find it weird though na di nya alam pumasok sa chatrooms eh obvious naman kung ano dapat i-click na button to start chatting, di ba? Sorry Amiel! Hehehe! At nang matapos kami sa tutorial ek-ek, ang bruho, iniwan na ako sa ere! Marami na yatang naka-chat! Hehehe!

Anyways, balik ako sa browsing drama ko. Suddenly, I felt bored. Hala, nangati ang kamay… biglang nag-click ng Yahoo Chat! So, pumasok ako sa chatroom… Pinoy Chat, as always! Medjo matagal-tagal din nung huli akong pumasok sa chatroom. Nabuwisit kasi ako dati nung nag-try ako… hala, naglipana na pala ang mga bastos na chatters! Tsaka madalas Indian ang online! Mga buwisit na yun, tumatambay sa Pinoy Chat! Bakit ba naman kasi di sila mag-create ng Indian Chat, noh?!

Well, yung pagpasok ko sa chatroom eh trip-trip lang talaga. Tapos nung makapasok ako, nag-error naman itong chat window ko! I can’t find my way out! Nagpanic ako! So close-my-window na lang ang drama ko. Then, back to my usual activity.

Until suddenly, I received a buzz! Sabi lang "Hi!". I checked the yahoo id… cute ID! Di ko na lang sasabihin yung chat ID at baka i-chat nyo pa sya! Hehehe! So, nagreply ako ng "Hey!". Hayan na, tanungan na ng ASL at pakilanlanan galore! Isang nakakapagod na bagay sa chat! Sabi 35/M/Makati daw sya. As always, I tell some correct details, so sabi ko 31/F/Manila ako. Then I asked, "So what do you do?" Ang sabi, "I’m into IT… Network Engineer". Then I thought, "Hmmmnnn, pasok sa budget!" Hehehe! Kaya tuloy ang Q&A portion. Pero nung tinanong kung saan ako nagwowork, hala, nagsimula na ako magsinungaling! Mahirap na, baka kidnapin pa ako! Hehehe!

Well in freshness, este in fairness, to the guy, may sense syang kausap… kaya naman carry ng powers ko na pinagtiyaagan syang ka-chat. Natuwa ako sa conversation namin. Para kaming old-time friends. Ang bruho, nag-open ng mga nangyari sa araw nya sa office. Nag-away daw sila ng boss nya. Pero pinagsisihan daw nya ginawa nya. O, wag nyo akong tanungin ng ginawa nya sa boss nya dahil di ko din naitanong! Sa sobrang ka-badtripan nung mama, nag-aya ng inuman! Tama ba yun?! Maghanap ba ng kainuman sa chat?! Bago yun ha?! Hehehe!

Maayos naman ang inuman invite nung mama kaya di ako na-offend. Actually natawa pa nga ako! Sabi ko pa nga, he reminds me of a friend… a very special friend! Bigla ko ngang naisip na baka sya talaga yung friend ko at pinagti-tripan lang ako! Pero mukhang hindi naman! Katuwa talaga kausap, may sense talaga! First time ko atang kumausap ng matino sa chat. Hehehe!

Of course I didn’t give in sa inuman invite. Ano ako bale?! Pano kung bad boy pala sya in person? Pano kung rapist sya? Pano kung 55 sya na nagkubli lang na 35? Pero pano kung hindi? Pano kung mabait naman pala talaga? Pano kung prince charming in the making pala ang lolo nyo?

Hay naku, ang mga "what if’s" ng buhay!

Oh well, these things will remain unanswered. He left his number though before logging out. Di ko naman sinave kasi I don’t have intentions to text or call him. Full-time Maria Clara talaga ako! Hahaha!

I guess, I will leave this thing to fate. If we cross paths again online, so be it. Pero kung hindi naman, ok lang. As most wise men say, "Bahala na si Batman!"

And to you, my one-time chatmate, thanks so much. I really had a fun time last night!🙂

= = = = = = = = = = =

Spared na naman ako sa nosebleed! Hahaha!

One Comment leave one →
  1. November 26, 2007 3:49 pm

    A wise decision it was you made, hmmm – sabi ni yoda. in my 3 years of hosting a chatroom for msn, I’ve met a lot of very interesting people and made a handful of real friends. eyeballs were always in a group setting, never 1 on 1. anyway, a very cute story bes, at may possibility for a continuation! abangan… chat away!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: