Skip to content

Naisip Ko Lang…

October 15, 2007

Naisip ko lang… bakit ko ba pinahihirapan ang aking sarili eh maaari naman akong sumulat ng blog sa Tagalog? Eh pwede pa nga kahit may bahid ng kabadingan! Di hamak naman na mas masaya basahin kung maligalig ang blog, di vah?! Sa kabilang banda, maganda rin ang sumulat sa Ingles… napapalago (wow, lalim ng term hah?!) nito ang aking talento sa pagsusulat! Oo na, di ako kagalingan sumulat! Sumusubok lang naman po… frustrated writer eh! Hehehe! Kaya heto, Tagalog muna tayo na may halong konting kabadingan…

Naisip ko lang… lungkut-lungkutan pala ang laman nitong mga huling naisulat ko. Hmmnnn, sanhi yata ito ng tunay na nararamdaman ng may akda (ang lalim talaga ng terms, in fairness!). Di vah nez, sabi nga nila, sa sining naipakikita ang tunay na emosyon ng lumikha. At ang pagsulat ay isang uri ng ng sining. (Carry-belles pa ba ng powers nyo ang Tagalog ko? :-)). Anyway highway, di ko na carry ituloy ang explanation ng sining at pagsulat… kaya kayo na ang mag-isip ng konek sa mga talatang yun! Hehehe! Ngunit dapatwa’t subalit, balikan natin ang aking lungkut-lungkutan issue. Nabanggit ko na dati (2 to 3 blogs ago yata) na hindi na ako malungkot. Trulily naman yun… mali lang yata ang term na ginamit ko. Siguro dapat ay ‘seryoso’. Naging seryoso lang ng bahagya ang mga huling naisulat ko. Di ko rin alam kung bakit. Kaya subukan ko na muling ibalik ang saya at ligalig sa blog kong ito…

Naisip ko lang… ano kaya ang nahihita ng mga taong nagbabasa ng sinusulat ko? Una sa lahat, may nagbabasa naman kaya? (Bukod kina Jhoen at Jopet, ah! Hahaha!) May napupulot ba naman kayang ‘churva’ sa mga kababawang pinagsususulat ko? Eh, ano naman kaya ang nararamdam nila sa tuwing binabasa nila ang aking mga akda? Sila kaya’y natutuwa? O baka naman naiinis o naasar? O baka naman tinatamad na sapagkat puro na lang ako, ako at ako ang laman ng blog ko. Eh bakit ba? Akin naman ito ah! So care nyo care bears kung ano ang gusto kong isulat dito! Hehehe! Wala pa po sa mga plano ko ang maglathala ng mga naggagandahang payo tungkol sa buhay o pag-ibig… di naman kasi Tiya Delly o Joe D’ Mango ang pangalan ko eh! O di kaya ay magbigay ng kung anik-anik na tips tungkol sa kung anik-anik na mga bagay. Haller?!?! Di ako expert sa mga bagay-bagay around me so wala akong K, ok?! At mas lalong wala ako sa wisyo na sumulat ng mga highfaluting opinions tungkol sa pulitika o relihiyon. Opinionated ako pero hindi sa serious topics ah! Opinionated lang… as in outspoken, taklesa, at higit sa lahat, laitera! Yan ang expertise ko! Bwahahaha! Payak lang ang aking mithiin… ang sumulat ng mga pansariling pananaw at simpleng kaganapan sa aking buhay na sa palagay ko ay maaring magdulot ng saya, ligaya at aral sa aking mga kaibigan, katoto, kakosa, kamag-aral, ka-federasyon, kaaway (eto marami ito, pero wiz sila kasama sa friendster list ko kaya di nila mababasa ito, hahaha!)… at maging sa mga bagong kakilala…

Naisip ko lang… may katuturan ba ang isinulat ko ngayon? Parang wala eh! Parang nag-aksaya lang ako ng oras. Pero in freshness, este in fairness pala, binasa mo naman! Nasayang ko ba ang oras mo sa walang kwentang blog na ito? Hehehe! Haaay, nawa’y wag kang madala sa pagbabasa ng blog ko. Promise, next time eh with full of sense and essense na ang isusulat ko. Pangako yan!

Yun lang po… naisip ko lang!🙂

P.S. Sakit ng hinliliit ko sa kaliwang kamay! Ang dami ng letter "a" hah!

P.S.S. Di ako masyadong nag-nosebleed ngayon… less effort sa English! Hahaha!

2 Comments leave one →
  1. October 23, 2007 5:40 am

    Halos mag-init ang aking kalamnan katatawa ineng kahit saksakan ng lamig ngayon dito sa Roma. Aliw! Ha ha ha… Ako’y masaya para sa ‘yo at hindi ka nagnose-bleed sa blog na ito… Ganyan nga! Bakit ka nga ba magpupumilit magsulat sa wikang banyaga e isa ka namang pangong pinoy (siyempre mas pango ako… he he)… Ngayon, dahil wala namang kuwenta ang blog na ito, wala ring kuwenta ang aking komento sa pagkakataong ito… Wala lang… napadaan lang. Ciao!

  2. October 31, 2007 10:05 am

    ah basta ako nakikibasa lang… pag nakakatuwa yung nakasulat, natutuwa ako. pag malungkot yung nakasulat, nalulungkot ako. sa ganito na nga lang tayo nakakapag-palitan ng mga kuru-kuro at mga nilalaman ng ating mga kokote. at dahil nga blog mo ito, ikaw ang bahala kung ano isusulat mo at sa kung anong wika mo ito isusulat… taga basa lang po ako😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: